psych_boyOctober 26th 1987 (Age 24) Male Quezon City
|
|
Dec 28, 2005
HEY!!! Manigong Bagong Taon!!!
Hey Friends.....
So, how's life now? No fats? ahamm......
Actually, I need to work for our 115 first draft of Intro (Avril!!!). Oh gosh, this is such a difficult task.....JOURNAL Articles......vanity.......
Ok, until next time....many things to do......
See you all!!
Take care and God Bless!!!
Merry Christmas and Happy New Year!!!
Posted at 09:35 pm by psych_boy
Permalink
Nov 27, 2005
Posted at 02:35 am by psych_boy
Permalink
Nov 17, 2005
Actually, napadaan lang.....
Hehe, every weekend ko na lang ito iuupdate or every time na ako'y depressed.....huwag naman sana....
Kamusta na ang mga tao?
Busy..yes, I am.....
Mabuhay tayong lahat!!!!!
Smile naman dyan....
Posted at 06:08 am by psych_boy
Permalink
Nov 5, 2005
Kanina lang...
oo, kanina - kanina lang...
Nang ako'y nasa Wildlife...
At walang magawa kundi sumigaw...
Nang biglang umulan...ayan na ang ulan!!
Kani-kanina lang...
Nang tumigil ang ulan...
At walang magawa kundi pumirma...
Ng papel ng wala lang...
Para may magawa...
Pagkatapos ng ulan...
OO...
Bumibingo na sa...
Pagiging maarte raw... na tinatanggalan ko ng e sa huli...
Para maging maart...
Para kahit papaano maibsan ang sakit...
Buti pa ang iba...
Kahit di totoo...sa rich kid? na lang...
Ngunit mas masaya ang looks cool o di kaya naman ay smart...
Buti na rin ang madaldal o kaya naman ay tall...
At mas lalong maganda kung sa crush mo... AAAham...
Bakit ako ganito...?
Pagkatapos ng ulan...
Dapat ay ginhawa ang malalasap...
Ngunit parang binura ng ulan...
Ang natitira kong paggalang...
Oh, ulan...
Kung ganyan ka lamang...
Mas pipiliin ko na lamang ang mainit na araw...
Na ang dala'y kaliwanagan...
Ng puso't isipan...
Posted at 05:01 am by psych_boy
Permalink
Oct 31, 2005
pseudo-HAPPY HALLOWEEN!!!
It's OCTOBER 31.......All Saint's Day Eve (tama ba?)
2nd Semester......Here I am!!
Ewan ko ba pero gusto ko ng magpasukan ulit kahit alam ko na HEAVY LOAD ako for this semester....at least, motivated na ako.
Thanks nga pala kay Erin, Aim High!!!! Uno on all courses.....
Nikka, salamat sa blog design ko..... I love you so much..friend!!!
Nakakatamad kasi ang walang ginagawa...kamusta naman ang paggising ng 1 in the afternoon at matulog ulit ng 2pm tapos gigising ng 5pm.....PATABAIN!!!!
Haha, wala akong masabi basta ang saya ko hindi ko alam kung bakit....I'm in love na!!!! Faling in LOve.....Oh, Love.....
Huwag ka na!!!
Gusto ko ng mabaliw.......sa pag-ibig.......magpaka-torpe....basta!!!
Posted at 07:10 am by psych_boy
Permalink
Oct 27, 2005
yes....finally I'm eighteen na!!
Yesterday, whem I'm trying to turn on my PC..oh God!!!.....yung monitor, ayaw magbukas kaya hindi ko na-share ang mga nangyari during my b-day......pero hindi ko na lang i-share para masaya.....
Sobrang boring ang mga araw at gabi kapag walang ginagawa, kundi kumain, matulog at mag-internet plus siyempre, television....
Nakaka-miss ang mga oras na kasama mo ang mga friends at nagtatawanan kayo, nagbibiruan at kung anu-ano pang mga usapang walang patutunguhan kundi pampalipas oras lamang pero madalasa mga aral ng buhay ang mga ito.
Oh sige, kahapon, siguro mga 1pm na at nasa Quezon City Hall dahil magbabad ako sa isang required na lecture-seminar sa SYDP..at shit!!!!......na-interview pa ako ni Eagle yung sa GMA-7 para raw sa Debate..kaya yan abangan niyo ako next week..hehe!!!! ang pangit nga ng mga sagot ko eh..parang hindi ako taga-UP........kasi ba naman tumanggi na ako tapos hinila ako..eh, ayan na yung camera so wala na GO na lang with the flow...
Tapos pagdating sa seminar, sobrang cliche ang mga topics..i-discuss ba ang history kaya yun yung kit na binigay sa akin na ang laman ay yung mga slides ng powerpoint..ang engot kaya..dapat after na lang yun binigay kung ayun lang din naman ang laman para siguradong may makikinig...
Kaya yun..puno ng blue ink yung mga slides dahil sa grammatical errors, basta sobrang inokray ko yung mga contents...
Ayun, kinda masaya naman ang aking B-day lalo na sa hanggang 3am na chat with Nikka, Marize, Faith, Chinie, Erin....inantay ang 2:05am..thanks talaga.,...sobrang memorable....
saka sa mga nag-text, thanks din......sobrang napuno ang inbox ko.....
sobrang ang saya talaga ng feeling ng maraming nagmamahal sa iyo....
Lalo na siguro kapag in love ka.....aham....how i wish!!?
Posted at 12:39 am by psych_boy
Permalink
Oct 25, 2005
2:05 am, Oct. 26......yes....18!!!!
Iba talaga ang may true friends........
IBANG-IBA.......pero I'm not saying na wala ako before pero siyempre due to hiwa-hiwalay na...medyo mahirap ang communications.......
Pero iba ang College life.....parati mong kasama at parati kang naaalala...I LOVE YOU..Friends...
Anyweiz, ang saya ng 18!!!!
Yeah..malapit na!!!!! heto na............SUCCESS!!!!!
Nikka, thanks sa net card.......first gift..yeah..
I'm expecting more from other friends......yuck, assuming masyado at feelingero.....
HAHAHAHAHA.>>>>>>>>>>>
I cant explain what is my feeling right now..unexplainable..grabe..IBA TALAGA!!!!
Hay..til tomorow ulit kapg true na...18..yes....
Sad nga pala, imagine B-Day tapos nasa isang Seminar......Required.....What duh?
Thanks....
Posted at 08:12 am by psych_boy
Permalink
Oct 24, 2005
Si Monsay sa Mata ng isang Monyans
“Isa, dalawa, tatlo, pito, sampung dyip, anong petsa na at wala pa si MALTC bus? Tiyak lagot na naman ako kay Diosa!,” ganito ang pang-araw-araw kong hinanaing tuwing makakasama ko si Monsay. Pang-ilang bases na ba ako nahuhuli sa tsismisan at yabangan sa loob ng isa at kalahating oras na hawak kaming mga henyo sa ilalim ng batas militar ng isang baboy? Halata bang may lihim akong galit sa kanya? Ang masasabi ko lang, tunay siyang baboy sa katawan niyang isang pisngi lang ng puwet ang nakakaupo sa isang tipikal na upuang pang-estudyante. At isa pa, sa tuwing nakikita ko siya, huwag ka! May pagkaing bitbit parati kasama ang kanyang kulay puting bote ng tubig at kung mamalasmalasin ka ay maririnig mo ang malanding si Diosa, “Arthur, pakikuha mo naman ako ng tubig - yung warm ha, kalahating cold at kalahating hot (tonong maamong aso).”
Naku, tama na nga kay Diosa ng kagandahan, este Dr. Morong, dapat may Dr. kapag kaharap mo siya at Diosa naman kapag nakatalikod siya. Ay, salamat at lumipas na ang trenta minutos na kasama si Diosa. Bakit trenta? Kasi nga, late ako.
Ano ba ang tunay na Monyans? Sa loob ng apat na taong nakapiling ko si Monsay, samu’t saring kagaguhan na ang nasaksihan, narinig at nagawa ko rito. Pasensiya na, tao lang tayo, may mga katarantaduhan din sa buhay.
Subukan nating pansinin ang kalinisan ni Monsay, ayan, saan ka ba nakakita ng isang comfort room na puwedeng matulugan sa linis ng sahig at sobrang kaputian nito? Paano ba naman, dapat nakamedyas ka lang kapag gagamit nito at ang kakaiba rito, hindi maiiwasan na may makasabay kang may amoy ang paa at kung masuwerte ka, makikita mo si butas na medyas. Bagong disenyo?
Well, uso rin kay Monsay ang gulo sa gitna ng quadrangle at heto pa, freshie pa lang ako ay may saksakan pang muntik nang mauwi sa ubusan ng lahi ang bumulaga sa akin. Ang ganda namang pambungad nito! Siyempre, hindi mawawala sa linya ang sangkaterbang sabunutan, murahan at bangayan sa koridor. Pang-squatter ba ang asta? Sila lang yun, di kaming mga henyo. (Talaga lang ha!)
“Putang-ina, ang galing mo, bakla!,” ito ang maririnig mo kay Mam Santos na isang baboy rin pero tomboy nga lang na mabibigla ka na lamang kapag sinita o di kaya’y binati ka niya. Ibang klaseng papuri di ba? Mayroon pa! Si Mr. Galvez a.k.a “Ms. Galvez”, na bukod pa sa nagbebenta ng pagkamahal-mahal na limang pirasong short bond paper na may tatak ng pangalan niya, bida rin siya sa dakmaan, oo, yung touching the two balls. Heto pa, ang nagbibida-bidahan na si Mam Sugui a.k.a “Palda Cutter”, na pinagtataguan ng mga pokpoking Monyans, ibig sabihin pasaway na pagkahaba-haba ng palda pero uwag kang mag-alala, konti lang ang sila. Nareport na nga ito sa DepEd, paano ba naman hihilahin ka sa gitna ng quadrangle nang sapilitan saka dadalhin sa AVR at paglabas ni babae, namumugto ang mga mata at balibaliko na ang tabas ng kulay luntiang palda niya.
Kamustahin naman natin ang mga prinsipal ni Monsay? Mayroon lang namang apat, una, si Mam Cielo na sobrang bait pero ubod naman ng payat na bansag nga sa kanya’y “walking dead”, kasi ba naman halos tumira na siya kay Monsay pati nga sa mga araw ng bakasyon ay nakabantay pa rin siya rito, siya na lang kaya ang maging sikyo para tipid sa gastusin ni Monsay. “Si Macusi, si Macusi, andyan na! Takbo!” ganito ang maririnig mo tuwing parating na si Mam Macusi. Paano ba naman parang bagyo ito kung humawi ng mga tenga ng mga Monyans, lalo na sa mga pasaway!
Hindi rin mawawala sa sirkulasyon si Gumby, Gumby, Gumby … walk like a man. Siya ang prinsipal ng mga henyo, DOST class dati, ngayon ay SSC na, also known as “Special Science Class”. Kami yun! Huh, hangin! At siyempre, mayroong opisyal na prinsipal at iyan ay si Gil, sa mata ng mga Monyans ay napaka-KJ, bakit kamo? Muntik na kaya kaming hindi magka-JS Prom dahil sa INC siya, anong pakialam kaya namin sa relihiyon niya, siya ba ang dadalo doon? Salamat na lamang nga at wala siya noong araw na iyon.
Oops, si Monsay nga pala ay parang si QueSci, MaSci at PhiSci, yun nga lang sa tapat kami ng palengke at nakahanay sa EDSA na sa tuwing dadaan ang MRT ay titigil si Mam Curio ng pagtuturo, ang guro namin sa Pisika na sobrang bait at yaman na sa tuwing papasok kami sa klase niya ay may pagkain kaming nadadatnan sa mesa niya at para sa amin iyon (galing States lang naman!).
Isa pa, kalebel pala naming mga henyo ang mga Sciences dahil una, feeling kami pero justifiable naman, sa katunayan, tuwing Math competition ay kung hindi sila ang first kami ang second out of many schools sa NCR, pana-panahon nga lang yan sabi ng iba. Siyempre, papahuli ba kami sa kantahan, kami ata ang isa sa mga da best na hayskul choir, totoo yun ha! Alam mo ba kung bakit? Busog kaya kami sa sangkaterbang putang-ina na pagmamahal ni Mam Nady, o di ba negative reinforcement, pero may learning naman?
Ano na-overwhelm ka na ba kay Monsay – ibang lebel no? Buti na lang pala na dito ako namulat sa katotohanan ng buhay – na ang buhay ng tao ay minsan nasa taas, at minsan nasa baba. Pero bihira ito mangyari basta’t masipag ka lang, tingnan mo si Kalihim Angelo Reyes na graduate kay Monsay na sobrang mahal at ipinagmamalaki niya ito. Katunayan, ayon sa kanyang speech noong nasa Country Club siya kasama an mga elite people, dalawa lamang ang hayskul sa buong Pilipinas, “ang Ramon Magsaysay (Cubao) at iba pang hayskul”. Wow naman!
Ay naku, sobrang sarap talagang balik-balikan ang mga katotohanan, kabalastugan at kalokohan sa likod ng nagtatagong imahe ni Monsay, gamit ang mulat na mata ng isang Monyans. Monyans na panghabang buhay kong ipagmamalaki na ako’y mula sa angkan ni Monsay.
Posted at 02:37 am by psych_boy
Permalink
Oct 23, 2005
OH GOD!!!!!!!my suwelas........
yuck.....a very embrassing day........
sobra, this afternoon I attended a meeting in Quezon City Hall Parking Lot for SYDP (ask BOPS este Inductees, the meaning)...so mega walk ako kasi with my shiny yellow blondy hair (ang araw kasi so maaraw eh!!!!)........tapos napansin kong parang may something wrong with my right foot, eh malapit na ako dun sa venue at almost bakod na lang yung pagitan ng mga tao sa akin so pumunta ako sa may car para matakpan naman ako...........hindi mabuko na may dini-discover ako......
SHIT!!!!!!!
Kamusta ang natanggal na suwelas.......hay naku!!! at this time...half pa lang ang natanggal so puwede pang maglakad pero pasadsad na.......so when I entered the place...grabe, nakatingin ang mga eyes ng mga people.......grabe, hirap talaga kapag unique ohhhhh........
SO, tanaw-tanaw muna sa mga friends na kakilala....grabe wala akong makitang kakilala.....ngek!!...I need a friend to help me na mataguan!! (sa mga oras na ito gusto kong bumalik sa house para magpalit ng shoes.....)
wala talaga so lapit na lang ako sa crowd at tumayo sa isang tabi...shit, pinag-uusapan ata ako but not because of my shoes but probably due to my hair...ASTIG!!!!
naku at dumating si THE LATE friend at kinuwento ko nga ang aking SECRET!!!!!! GRABE the meeting started around 1:30 in the afternoon and ended by 4:30...............so antagal kong nag-stay na ganun ang aking situation......pero marami rin naman akong na-okray sa kanila......cliche masyado ang mga ideas nila..kinda nalibing na yun eh at nauuod na..pero sige pagbigyan......hindi nga ako nakapag-pigil eh....
KASI ba naman meron daw event/activity na purely academic daw..and guess what? mayrong MR. and MS......come on!!! mag-isip-isip naman ha......?
SO heto pauwi na ako at may natanaw ako na Grade School at High School FRIEND kaso hindi ko malapitan dahil nafefeel ko na malala na ang suwelas ko..so lakad taas-no pa para naman sa hair ko na lang sila tumingin at huwag nang pansinin the way I walked......
HETO na ang kinatatakutan ko..buti na lang mag-isa sa jeep so puwede ko ma-check ang real condition ng aking shoes...wala na sobrang tangal na so TINANGAL KO Nang TULUYAN ang suwelas ng isa at yung isa..ayun pa rin.......
IMAGINE!!!!!
Hay naku.......malaking kahihiyan.....
Posted at 09:51 am by psych_boy
Permalink
Oct 22, 2005
ASTIG!!!!
sobra talaga ang life.......kinda masaya na mahirap!!!!
at mas mahirap kapag walang PERA (agree?) wala kasing pasok eh.....sembreak!!! parang ayoko na nga dumating ang time na ito kasi nakakatamad at sagana sa tulog......NAKAKATABA!!!!
Ewan ko ba? Kapag school days naman...ang sarap Mag-Sembreak........hay!!!! Undefined talaga ang mga gusto ng tao!!!!!
TOTOO NAMAN DI BA?
CONSCIOUS
What you see is what you get….. or so that’s what you think.
Relying on your senses, accepting what they say. What is seen, what is heard, what is felt. The obvious.
Different ideas just crowding your head.
wala lang..sinama ko lang from my computer files......
sobrang maikli pero meaningful.........parang life!!!!! Paano nga ba naconnect ito dito? Hay ikaw na lang ang magmuni-muni.....
ok..iwanan ko kayo nito: (galing ulit sa files ko!!, hindi ako may gawa niyan..hindi ko alam eh....)
ME
part of me
deep within
iota of strength
I am human
a soul scarred
a soul revealed
I survive
spirit wound
me
free.
.....singit lang...na-sad ako dahil natanggal si chx sa pinoy big brother at ang masama 6% lang yung votes niya......nagpapakita lamang na ang mga Pinoy ay masyadong conservative at takot este galit sa mga LIBERATED!!!!! masyado kasi tayong nakukulong sa pagiging Catholic Country eh....
anyweiz, miss ko na ang PSYCHSOC......N11.........Blockmates........Friends!!!!!!...... UP!!!!...HIGH SCHOOL FRIENDS...........!!!
just text me: 09198206682..greet niyo ko 26!!!
Posted at 10:10 am by psych_boy
Permalink
|
|
|